- ang iyong cellphone
- ang iyong kasalukuyang sim card
- magparehistro sa akin (itext reg<space><CP#to be reg.><space>full name<comma>address<comma>email add at isend sa 09491305081o mag email sa aglabtl@gmail.com sa title na: Loading business isend ang inyong Pangalan, Address, at CP #, reregister ko kayo within the day!)
- at bumili ng iyong load wallet na iloload mo naman sa iba (for as low as 1000.00php thru banks such as BDO, BPI at Metrobank at for as low as 100.00php kung sa akin ka bibili sa pamamagitan ng aking BDO bank account) i-email ko ang procedures pagkatapos magparegister
Gulong ng Gulong
Ilang mga bahaging buhay, ng mga buhay - buhay ng mga may buhay...
Kampon ni kristo
Sunday, July 10, 2011
LOAD ALL NETWORKS! USING ONE SIM ONLY FREE REGISTRATION!
Wednesday, June 1, 2011
sampu
- hindi sya mahilig si Kase sa mga kung anu - ano, pero masaya na sya sa alkansya. Lalo kung native ito. Ang wierd pa nito binibigyan nya ang mga ito ng mga pangalan. Pangga ang tawag nya sa alkansyang bao na bigay ko sa kanya.
- Mahilig s'yang mag luto at kung anu - ano. Gusto nyang maging nanay ng lahat.
- Ang paborito nyang prutas ay ang aratiles. Okey lang sa kanyang tumambay maghapon sa isang lugar basta may puno ng aratiles at marami iyong bunga.
- Kung may pag kain syang ayaw, iyon ay ang Duryan. Pwede nyang pag tyagaan ang lahat maliban sa duryan kahit na kendi ayaw nya.
- Sobrang hilig nya sa old song, at ang paborito nyang local na singer ay si Nora Aunor at the Bloomfields...
- Mag - aaway kayo kapag inilipat mo ang TV kung pelikula ni FPJ ang palabas.
- Hindi sya mahilig sa commercial na bulaklak kahit na may flower shop sila nang bestfriend nya na si Peachie. Mas gusto nya ang mga bulaklak ng damong ligaw at ng rosal.
- Nagbabago ang mood nya kapag may lasagna.
- Hindi mahilig sa libro si kase. Ayaw nyang nagbabasa.
- 15 hours syang matulog yung 9 hours ang hinahati nya sa ibang mga gawain.
Tuesday, May 10, 2011
Ekspiryens sa MAKDU BaLIWag!
I've got myself pissed when I ate Chicken Mcdo at Baliuag.. I always loved fried chicken but that one is exceptional... it sucks!!! they should improve on it! when you eat something the feeling must be good and you should be very thankful... but while eating there yesterday all I could say is a big FUCK! the food SUCKS and I couldn't eat it... because I am so hungry I ate the rice topped with gravy but couldn't finish the chicken... the chicken neck sucks! the meat is so dry. Maybe they reheated it several times before they serve it. Makunat na kung baga. I could't Imagine that I paid much for that... It really Sucks.
Frustraited ako! ayoko nalang dagdagan ng pakikipagtalo!
Tuesday, April 19, 2011
Kilometer64 Poetry Collective para sa kagyat na pagpapalaya sa kapwa makatang si Ericson Acosta
Kilometer64 Poetry Collective para sa kagyat na pagpapalaya
sa kapwa makatang si Ericson Acosta
Sa gitna nang papatindi't lumalalang krisis ng lipunang malakolonyal at malapyudal, matagal nang nasagot ng mga makata sa Kilometer 64, ang tanong sa silbi't pinagsisilbihan ng kanilang mga tula. Lalong hindi nito ipinagtataka, kung bakit natagpuan ang isa sa pinakamahusay na manggagawang pangkultura, mangaawit, komposer, manunulat, makata, sa kanyang henerasyon, sa pinakaliblib na baryo Bay-ang sa bayan ng San Jorge, sa Samar.
Hindi marahil, kundi may katiyakang, sa bahagi ni Ericson Acosta'y maliwanag din sa kanya ang sagot sa tanong na inilatag na noon pa man ng isang bantog na makata ng protesta na si Gelacio Guillermo:"Ano ang silbi? Sino ang pagsisilbihan? Paano?". Lalo at hindi na lamang siya nagkasya sa paglikha ng mga komposisyon, berso, dula, pagtatanghal sa loob ng sonang komportable siya. Iniluwal at nakatira sa Cubao, Quezon City, at nakapagaral sa Unibersidad ng Pilipinas, ubod sa talento't kasiningan, inialay ni Ericson hindi lamang ang mga obrang kanyang iniluluwal kundi ang kanyang mismong sarili at nagtungo sa kanayunan, upang makipamuhay sa higit na aba.
Sa kanya mismong pahayag kamakailan, sabi niya:
"Maitatanong pa ba kung ano ginagawa ng isang makata at manunulat sa isang kasuluk-sulukang baryo na gaya ng Bay-ang? Marahil, ang dapat na nating itanong sa ngayon ay kung bakit mailap, at ni hindi yata nakakadalaw sa mga lugar na tulad nito ang pinakahihintay na bisita na ang pangalan ay Hustisya."
Walang duda sa kung ano ang ginagawa ni Ericson Acosta sa sulok na iyon ng Pilipinas. Pinili ni Ericson na itala sa kasaysayan gamit ang kanyang kabataan, kakanyahan at kahusayan ang mga tunay na pangyayaring pilit na kinukumutan ng kasinungalingan. Naroon si Ericson upang itangan ng mahigpit, ang katapatan niya sa tungkuling sinumpaan:
"Writing is inscribing reality. Writing is speaking truth to action."
Writer's Manifesto of Unity on the Freedom of Expression,
Amado Hernandez Resource Center.
Ang laganap na militarisasyon sa kalakhang lalawigan ng Leyte, lalo sa bayan ng San Jorge, at ang pinsala nito sa kabuhayan, katarungan at dignidad ng mga mamamayan roon, ang matapat na sinusulat at sinasaliksik ni Ericson ng mga panahong iyon. Tungkulin ng kanyang mga akda ang maging lapat sa inaapakang lupa. At ang walang takot na pagtatala ng mga tapat na datos at kalagayan panlipunan ang kanyang pinagkakaabalahan.
Inialay ni Ericson ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa sambayanan. Ngunit, sa kabila ng ganitong layunin. Walang warrant na inaresto, iligal na dinetine, tinortyur, pinagkaitan ng mga batayang karapatan, at inakusahan ng gawa-gawang kaso, si Ericson Acosta.
Kaya sa hanay ng makata ng Kilometer 64 Poetry Collective, mahigpit naming kinokondena ang paglabag na ito, at iginigiit na marapat nang palayain sa lalong mabilis na panahon nang walang kondisyon ang aming kapatid sa pluma, kamakata, na si Ericson Acosta.
Nananawagan kami sa Gobyernong Aquino, na bigyang bisa ang kanyang kalayaan sa pinakamabilis na panahon sa pamamagitan ng pagbitaw sa kanilang inimbentong asunto dito.
Makakaasa, si Ericson Acosta, ang kanyang mga kaibigan at kapamilya, na aktibong magsususog ang Kilometer 64 ng kampanya sa agarang pagpapalaya kay Ericson, at magiging mapagbantay sa isusulong ng kaso nito.
Ang laban ni Ericson, ay ang matagal na ding itinataguyod na laban ng mga makata ng protesta, sa hanay namin.