Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Wednesday, June 1, 2011

sampu

sampung bagay bagay tungkol sa akin ayon kay Andoy ang aking kababata.
  1. hindi sya mahilig si Kase sa mga kung anu - ano, pero masaya na sya sa alkansya. Lalo kung native ito. Ang wierd pa nito binibigyan nya ang mga ito ng mga pangalan. Pangga ang tawag nya sa alkansyang bao na bigay ko sa kanya.
  2. Mahilig s'yang mag luto at kung anu - ano. Gusto nyang maging nanay ng lahat.
  3. Ang paborito nyang prutas ay ang aratiles. Okey lang sa kanyang tumambay maghapon sa isang lugar basta may puno ng aratiles at marami iyong bunga.
  4. Kung may pag kain syang ayaw, iyon ay ang Duryan. Pwede nyang pag tyagaan ang lahat maliban sa duryan kahit na kendi ayaw nya.
  5. Sobrang hilig nya sa old song, at ang paborito nyang local na singer ay si Nora Aunor at the Bloomfields...
  6. Mag - aaway kayo kapag inilipat mo ang TV kung pelikula ni FPJ ang palabas.
  7. Hindi sya mahilig sa commercial na bulaklak kahit na may flower shop sila nang bestfriend nya na si Peachie. Mas gusto nya ang mga bulaklak ng damong ligaw at ng rosal.
  8. Nagbabago ang mood nya kapag may lasagna.
  9. Hindi mahilig sa libro si kase. Ayaw nyang nagbabasa.
  10. 15 hours syang matulog yung 9 hours ang hinahati nya sa ibang mga gawain.

No comments:

Post a Comment