Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Wednesday, November 3, 2010

Isang tula para sa mga manggagawa ng ABS - CBN "Kapamilya" Network

Ni: Tam Ling

Hit sa akin ang inyong masining na gawa.
Balita man o tele serye
Oks na oks.
Inaabangan ko pa ang station ID tuwing pasko...
Nakakabagbag ng damdamin
Minsan nga'y naluluha pa ako.
Laman nuon ang pagtulong sa kapwa,
pagmamahal sa kapwa
at ang pagiging isang tunay na kapamilya.
Ngunit tila hindi ganon ang nakikita ko ngayun
Hindi pa ako tao'y
Bahagi na sila ng istasyong "kapamilya"
Maraming panahon na ang lumipas,
Malalim na rin marahil ang kanilang pinagsamahan.
Dapat sana'y pamilya na sila.
Pero hindi Pamilya ang turingan sa loob ng KAPAMILYA.
Hindi Pamilya!
Hindi Pamilya!
Kaya nga ngayon, 
Silang mga bumubuo sa "kapamilya"
Silang nag alay ng pagod para sa ikagagaling ng "kapamilya"
Silang lumikha ng "kapamilya"
Sila'y ni minsan
Hindi itinuring na "kapamilya"
Kontraktwal pa rin kasi sila...

No comments:

Post a Comment