Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Sunday, March 27, 2011

Panaginip 3/27/2011

-Isang pagtatala ng mga panaginip.


Uso ang usapin tungkol sa malalakas na lindol. Pati tuloy ang panaginip ko ito ang paksa.

Nagtratrabaho kami sa isang mataas na gusali sa San Juan. Isang araw na mainit ng lumindol ng napakalakas. Gumuho ang buong gusali at natrap kami sa loob. May nakadagang malaking bato sa likod ko at nakikita kong umiiyak ang mga nasa paligid kahit na napakadilim at wala kang nakikitang kung anong siwang ng liwanag. Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit na anong takot habang nangyayari ang lindol at kahit na nung na trap kami sa loob, pero parang totoo. Masakit ang likod ko at nagpapaulit-ulit ang mga iyak pag gising ko.

Nuong natulog ulit ako kinagabihan pareho ulit ang napanaginipan ko. Parehong senaryo, parehong mga tao ang nakikita ko.

No comments:

Post a Comment