Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Tuesday, March 15, 2011

Litanya

Katapusan na ba?
Ng lahat ng nilalang?
Ng lahat ng buhay?
Giyera...
samutsaring giyera
Digmaan
Laban daw sa terorismo
o sa pinag aagawang petrolyo?
Tagapagligtas?
Tagapagligtas ang siyang nagsimula
Matatapos rin iyon
at ang tinitingala
Bayani,
Nakamaskarang diyablo
Humahalakhak...
Walang tigil na humahalakhak
Katapusan man o hindi
ang mahalagang tanong
Paano ang kakainin ng iyong pamilya
Bukas.
Bukas saan ka didiskarte
o kung may madidiskarte ka pa ba?
O wala ka ng trabaho dahil
Kontraktwal ka nga lang pala...

No comments:

Post a Comment