Hindi rin naman talaga kape ang nakakadiabetic, pasok sa banga ang justification ni Tatay na okey lang syang uminom ng kape kahit na diabetic sya. Less sugar naman daw manang mana sa anak kung makapag - justify. Ang kaso, less sugar nga kung makainom naman sya isang garapon per serving, at sa maghapon nakaka apat na litro sya ng kape. Ang kulit talaga, at kahit na bawalan mo, magkakape pa rin sya.
Kung sabagay, mahusay nga namang pampainit ng sikmura ang kape. Pagkatapos, sisikmurain ka naman. Naiirita kasi sa kape ang tiyan, kaya nagproprodyus ito ng maraming gastric juices.
Pero sa anu't ano man, dahil sa makulit ako. Kahit na nga ba maraming bad effects ang kape, iinom pa rin ako. Bata pa lang kasi ako nang magsimulang maadik sa kape at habang lumalaki mas lumalakas akong uminom ng kape.
Nakaka-aliw naman kasi ang kape. Kakaiba ang aroma nito, amoy palang nakakagising na. Masarap rin itong sawsawan ng pandesal, pansabaw sa bahaw, at iced coffee (nagtataka ako dati kay nanay, pwede kaming uminom ng ice coffee pero hindi pwedeng uminom ng mainit na kape, e pareho lang namang kape yun.) at ang talaga namang nakakapag pasarap sa kape ay marami itong napapasarap na mga kwentuhan. Kaya kahit na nga ba maraming bad effects, gora pa rin sa pag inom ng kape.
Basta ang bilin ni Papa Vic, hindi masama ang sobra ang masama yung hindi marunong mag - alok. Kaya, kape muna tayo!
Kape tayo! Boycott Nestle!
ReplyDeletetama BOYCOTT NESTLE!
ReplyDelete