May dilaw na tali ang bawat tanglaw
Ngunit lasing at susuray - suray ang dumaraan,
Tila hindi alam ang patutunguhan.
Tuwid ang daan,
Ngunit sa dami ng bako'y hindi ka makadadaan
Matarik at papabagsak ang iyong lalakaran,
Mag ingat at sa isang mali mo'y
Sa kumunoy ng kahirapan ka rin malalaglag.
Tuwid ang daan,
Hinding - hindi ka maliligaw
Kung ang iyong patutunguhan
ay ang walang katapusang sisihan,
walang direksyong pamahalaan,
ang walang gulugod na batas, may pangil man,
Ang sambayanan ang walang habas na sinasakmal.
Tuwid ang daan,
Dire - diretso lang
Itaas ang pamasahe,
Itaas ang mga bilihin,
Itaas ang presyo ng langis,
Itaas ang lahat,
H'wag lang ang sweldo ng mga manggagawa.
Itaas ang lahat,
H'wag lang ang badyet ng serbisyo publiko.
TAMA!!!
ReplyDeletelasing nga!
ReplyDelete