Ginugutay - gutay ko
Sa aking gunita,
Ang mga nagpapaulit-ulit
Na mga kataga,
Na kahit na gaano kadalas
Ay parang hindi ko mahuli...
Nagpapaulit-ulit,
Sa bandang huli'y
Nakagapos pa rin pala ako
Sa sarili kong tali.
Parang ibon,
gustong lumaya
Pero hindi kumakawala.
No comments:
Post a Comment