Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Saturday, January 8, 2011

Ang Daigdig ng mga Hudas 1



ni: Tam B. Ling

I will always treasure the moments we're together.


Pang ilang attemp ko na nga ba itong sumulat ng kwento? Marami - rami na rin simula nuong natuto akong tula. Sa klase iyon ni Ginang Mora, takda namin nuon na sumulat ng tumula. De kahon pa ako nuon. Sumusulat ng may bilang, mahigpit sa mga katagang ginagamit, at dapat ay tama ang ritmo.Tuloy kahit na anong isulat ko nuon ay nagtutunog tula.


Minsan nagsasalita ako na parang tumutula. Kamakailan lang ng makita ko ang aking unang draft kasama ng maraming mga pictures ng mga kaibigan yung kuha pa sa kodak na de film. Tungkol iyon sa aking mga naging oa na mga pangarap sa buhay. Pero mas malamang iyon sa ilusyon kasa pangarap.


Hinding hindi mangyayari ang mga iyon at malayong malayo sa katotohanan na magkatotoo. Pero duon nagsimula ang mga kwento ko ng mga frustraitions sa buhay. Kung alam ko nga lamang na marami pang on the way.


Pero okey lang, hindi naman ako nag iisa. Marahil ikaw rin ay maraming mga frustraitions sa buhay tulad ng marami pang ibang katulad ko rin dahil ang mundong ito ay punong - puno ng frustraitions at nasisigurado kong wala kang katakas takas. Dahil ang mundong ito ay mundo ng pagka diskontento. Hindi ka makukuntento hanggang makamatayan mo na. 


Ang Maslow's heirarchy of needs nga mahirap ma - attain. Wants pa kaya? Malabo rin naman kasing mangyari na maging reality ang halicinations at mapaglarong kathang isip ng isang bata.Pagkatapos naman ng mga paglalaro ng isipan.


Darating ang panahong aakalain mong mature ka na. Kakalimutan mo na si mask raider, ultraman at power rangers. Hindi mo na iisiping totoo si superman at tatamarin ka na ring magsabit ng medyas tuwing pasko. Pero nagsasabit pa  rin ako, kahit alam kong hindi totoo si Santa. Nilalagyan kasi iyon ng pera ni Nanay tuwing gabi pag inaakala n'yang tulug na ang mga nagtutulug - tulugan n'yang mga anak.


Goodbye na sa mga colored cartoons papasok na ang mga telesere, nuong panahon ko si Juday ang uso at yung love team ni Jolens at Marvin. Mayroon ring TGIS at GMIK. Pero hindi ko talaga panahon iyon. Yun ang mga dramang gustong gustong pinapanood ng lola ko. Hindi ko naman napapanood ang mga gusto kong panoorin, dahil talo ako sa remote. Hindi ka pwedeng makipag agawan sa mas nakakabata sa'yo dahil dapat kang magpasensya. Hindi ka rin naman pwedeng makipag agawan sa mas matanda dahil tiyak kung hindi ka masisinghalan ay tiyak kang mababatukan ka. Kaya heto ako, nakuntento na sa kababasa ng mga libro.


Tam B. Ling


No comments:

Post a Comment