Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Tuesday, December 7, 2010

Protect us from those who call themselves protectors

Hindi ko inaasahang makikita ko ang aking sariling nakatanghod sa hagdanan patungo sa istasyon ng tren ng MRT. Matagal pa ang nilulutong fishball ni manong. Madalas kaming bumili ng fishball sa kanya. Maramihan kaya, maramihan rin ang kwento. Nagsimula sa kung gaano sya katagal na nagtitinda sa pwestong iyon, paano sya pinapalayas ng mga duty na istudyanteng pulis (sila yung mga Police intern na dinideploy sa traffic), magkano ang ibinibigay nya para huwag mapalayas, magkano ang kinikita, ilan ang anak, paanong nagkakasya ang kinikita kahit na sa pagkain man lamang.

Mabilis ang takbo ng buhay, naisip ko. Pareho iyon ng mga nagmamadaling paa na akyat - baba sa hagdanan. Kasing dalas ng pag tusok sa luto nang fishball, pagsawsaw sa maanghang na suka, pag abot ng bayad, at pagsasalin ng mga bagong lulutuin.

Sa dami parang nakikipagkarera sa yabag ang takbo ng isip ko. Papaano kung hindi na sila pwedeng magtinda rito? Papaano kapag nagtaas na ng pasahe ang MRT at kaunti nalamang ang sumasakay kaya konti na lang rin ang bibili at ang kaunting kinikita ni manong ay mababawasan pa kasabay ng kakaunting benta.

Kapos ang kabuhayan para sa mga maralita. Karamihan  kasi ng polisiya ay sila ang tinatamaan o kaya direktang sila ang pinatatamaan.


Tinawagan ko si tsong Tomas kung pwede akong bumisita sa kanila. Walang tao dun kaya hindi ako tumuloy. Sa kanya ko na lang rin nabalitaan ang maheheadline palang bukas at mapapanood mamaya sa TV sa pang-gabing palabas na balita.


Ipinoprotesta ng mga kuliglig drivers ang pagbasura sa kautusan ng opisina ng mayor ng maynila sa pagbabawal sa kanila sa kalsada ng kamaynilaan. Mayroong tatlong namatay, batay sa pagkakasabi ni Tsong, hindi iyon binalita sa TV, ang sabi lang naging magulo. Ang ikinagulo ng isipan ko, kung ano ba talaga ang trabaho ng kapulisan ng Maynila ang umayos ng gulo o magpalala ng gulo?


No comments:

Post a Comment