Mula sa silid ng mga musmos na sinasanay sa sibilisasyon ng mga abnormal. Iba't - iba ang pamamaraan ng pagsasanay. Nanduong ipinamememorya sa iyo ang ABC the hey joe way. Yung tipong A is por epol, na sabay - sabay binibigkas ng mga paslit na nagkakanda pili-pilipit ang dila sa tila makabagong salita ng mga elyen.
Nakakapagtaka naman kasi kung bakit ipinag pipilitan kaming mag ingles kahit na hindi naman kami nagkakaintindihan.
Isa pang hindi ko maunawan, dahang kasing ang madali ay pinapakomplikado para di maintindihan, pagkatapos ay uulit - ulitin para matutunan. Ang labas nama’y ‘sang pumpon ng mga mahuhusay na kabisote.
Ang problema mahina daw ang memorya ko. Pero hindi dahil sa mahina talaga, ayoko lang talagang gawin. Masarap kayang maglaro sa labas ng lutulutuan. Pero hindi dahil gusto ko ang larong iyon kundi dahil sa ang naluluto ay yung mga chichirya, ako yung taga kain. Masarap matulog pagkatapos kumain. Pagka naman naisipan ng mga kalaro ko na yung gabing tanim nila aling Edeng ang gamiting sangkap, at yung mga damo sa riles ng tren. Hindi naman ako makakapag – aral pagka – tapos, dahil makati ang katas ng mga hiniwa – hiwang dahon ng gabi. Maghapon akong magkakamot ng braso. Tsaka masarap mang hunting ng mga uod na kulay berde, yung pag napisa mo’y mar lalabas na likidong ginagawa naming sabaw ng mga pekeng ulam sa lutu – lutuan.
Nakaka aliw iyon pag nakikita mong naluluto yung uod. Nasasatisfy ang pagiging malapit sa katotohanan ng aming paglalaro. Hapon na kami natatapos, matutulog nalang.
Ang ipinapa - memorya samin ay ang multiplication table. 1 x 1 = 1, 1 x 2 = 2, 1 x 3 = 3, 1 x 4 = 4, 1 x 5 = 5, … Magagaling ang mga nakakabisado ng buong - buo. Ang nakakatawa tatatlo lang ang naka memorya. Yung iba hanggang four lang. Nung tanungin ng teacher 4 x 9 = 36, nung 9 x 4 na ang tanong, patay kang bata ka, namumutla na. Dito ko na natutunan ang kapangyarihan ng pag - iyak. Kapag umiyak ako, hindi na ako pagagalitan, aamu - amuin ako ng titser at bibigyan pa nga ng kendi.
Kaya ang totoong matalino dito tinatawag na pilosopo at hahangaan, at ang mas matalino sa pilosopo, ang tawag sa kanya baliw o kaya wirdo.
Totoo nga namang sa sariling mundo ka mamumuhay kung hindi ka kasabay ng nakararami.
No comments:
Post a Comment