Hindi ko alam kung saan pumupulot ng mga banat ang Tatay... Pero madalas ay may katwiran sya.
Noong nakaraang halalan pinagtatalunan namin ang pagboto. Pinipilit ko syang bumoto kahit na napagpasyahan na n'yang huwag nang bumoto.
Ito ang mga dahilan kung bakit ayaw n'ya nang bumoto.
- Wala rin namang mangyayaring kakaiba kung sino ang mananalo. Kanya kanya lang sila ng estilo sa panggagantso. Manong magpahinga na lamang sya sa nonworking holiday na inilaan para sa halalan.
- Hindi sya naniniwala sa Tuwid na daan ni Noynoy, paano raw kung lasing ang dadaan sa tuwid na daan?
- Hindi naman talaga bibilangin ng mga makina ang boto nya. Hindi rin totoo ang halalan. Hindi naman pwedeng tumakbong mayor ang simpleng tao lang kahit na nga ba gusto sya ng nakararami.
Kumbinsido ako sa mga dahilan ni Tatay. Totoo naman.
Totoo nga
No comments:
Post a Comment