Ni: Tam B. Ling
Sa kalawakang walang hangganan.
Sa kadilimang pinapayapa ng katahimikan
Ng mga aligagang kaluluwang
Ang tanging hangad ay kaligtasan.
Tinatanglaw ng kalungkutan
Ang pag – iisa ng liwanag ng buwan.
Sana'y sa likod ng mga ulap
Na nagbabadyang malamig ang magdamag
Nanduon pa rin ang mga tala
Na kapiling mo hanggang mag umaga.
No comments:
Post a Comment