Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Wednesday, November 3, 2010

Isang Pilas ng aking High School Diary 002

Tapos na akong mag quiz sa math, limang minuto pa lamang matapos maibigay ni sir Platero ang mga tanong. 

Nandito ako ngayun sa hagdanan malapit sa aming classroom. Natutuwa ako at malawak ang pagtanaw ng aking guro sa nararamdaman kong pagkabagot sa klase kapag wala ng ginagawa.

 Kaya heto't pinabas nya na muna ako para makapag break sandali habang nagsasagot pa ang aking mga kaeskwela. 

Nakita ako ni Ma'am Bheng, tinanong nya kung bakit ako nasa labas ng klase. Sabi ko'y tapos na po akong mag quiz, at nag quiquiz pa ang mga kaiskwela ko. Tila naunawaang makagugulo ako sa mga nag quiquiz sa loob kung mananatili ako duon, behave naman daw ako sa labas at wag daw mang iistorbo sa ibang klase. Dumiretso sya sa kanyang opisina, ako nama'y nagtuloy sa pagsusulat.

Lapitin lang ako ng huntahan pero ang talagang hilig ko'y pagsusulat. Hindi rin naman problema sa akin ang kakulitan at kapilyahan. Hindi iyon ang sumpong ko sa ngayon.

Kuntento na ako sa cloud 9, sa coke, sa notebook at ballpen.

Ilang minuto na lang marahil ay tapos na silang mag quiz, si sir platero ang tumitingin sa papel ko, dahil nga una akong natapos. Hindi ko na rin kailangang bumalik sa loob para sa pagsusuma ng resulta ng pagsasanay. 

Nadaan si Ma'am Gina ang teacher namin sa kasaysayan. Okey naman siguro sya pero hindi bagay na kasaysayan ang itinuturo nya. Napansin ko lang kasi, o kaya ay naghahanap ako ng wierd na teacher para sa subject na iyon.

Siguro nga?

Naghihintay na sa corridor si Teacher Jhoan ang teacher namin sa computer. Pagkatapos ng Math ay Computer na ang susunod naming subject.



No comments:

Post a Comment