May isang taon na ako sa paaralang ito. Ano na nga bang nagaganap? Katulad pa rin ng dati. Ang mga kaiskwela ko, yung iba bully kid pa rin. Ayoko na lamang patulan dahil masasayang ang oras ko ng pagliliwaliw kung papatulan ko pa. Okey naman ako sa mga simpleng bagay na ikina aaliw kong tunay at wala ng panahon para konsumihin ko ang aking sarili sa mga petty na bagay.
Okey na ako sa sarili kong mundo, malayong malayo sa mundo nila. Mas okey kung ganon.
Sya nga pala, nakalimutan ko nanamang may quiz kami sa Math, at heto nanaman ako nakatambay sa tindhan nila tito Ogie. Simple lang ang kaligayahan ko, mga posters ng anime, yung slam dunk at fushigi yugi. Pero hindi ko naman talaga hilig yun. Ang tingin ko'y cool lang talaga, dahil na rin siguro sa peer pressure, iyon ang hilig ng maraming nakapaligid sa akin. Mas gusto ko pa rin ang pagsusulat sa diary. Ang pakay ko talaga sa tindahan ni tito Ogie ay ballpen dahil madalas kong maubos ang tinta nuon sa kung anu - anong isinusulat. Mahilig akong mag sulat, na baduy sa tingin ng iba. Pero ito ang nagpapasaya sa akin, sa mga patay na oras.
Dito ko isinusulat ang mga kung anu - anong nagaganap.
Masarap nga namang may binabalikan kapag wala ka ng maisip na gawin at pinapatay na ng pagkaburyong ang iyong utak.
Nuong lunch time inaya ako ni sir Jaime na maglaro ng chess. Ayoko ng larong ito, naging hilig ko lang nuong naging crush ko sya, at crush ni Margie si Wintot na parehong mahilig sa chess. Hindi kasi ako mahusay makipag kwentuhan. Tama! Daanin sa chess.
Late na ang puppy love sa akin. Trese anyos na ako nung unang magka crush, pero normal lang daw sabi ni Teacher Chat na magka crush ang isang istudyante sa kanyang guro, huwag lang daw aabot sa tunay na relasyon. Malabo namang mangyari iyon. Imposible talaga, alam ko ang limitasyon ng istudyante sa guro. May background ako ng Law dahil sa kaibigang teacher din, na si kuya Dilon. Nakakatuwa lang naman kasing may nagpapasaya ng bawat araw mo sa iskwela.
Supportive naman ang mga kaiskwela ko sa trip kong ito. Si Gerry Anne ang isa sa pinaka kunsintidora. Okey daw kasing lalaki ang maging crush ko kaysa babae. (Konek)
Mawawala ng mga ilang buwan ang Teacher namin sa Math, si Teacher Wilma ang substitute. Siya ang rumored Girlfriend ni Sir Jaime. Hindi ko alam kung tutoo, pero talagang pinagseselos nya ako. Hindi ko rin alam kung sinasadya nya bang talaga. Okey lang naman, pero may itinatago akong kapilyahan na talagang sumirit palabas nuong magsimula syang magturo sa klase namin.
Sa lahat ng subjects sa Math ako pinaka kumpiyansa. Nuong nakaraang school year ay sunod sa layaw ako kay sir Platero. Malakas ang luob kong hindi ako babagsak kahit na nga ba magkapikunan kami. Pero yung ibang nangyari kanina'y hindi ko naman talaga sinasadya. Nuong nagchecheck na kami ng quiz ay napuna kong mali na ang naicocompute nya. Marahil ay dulot na rin ng pang uurat ko kanina. Napikon ng tunay si Ma'am at ayoko ng isulat ang mga naganap.
August 20, 2001
No comments:
Post a Comment