Kampon ni kristo

Sugo ng diyos, mamamayan ng daigdig. Hindi ka dapat mangimi! Hindi ka dapat matakot! Hindi ka dapat mabuhay sa dilim! Lisanin mo ang karimlan! Habulin mo ang liwanag! Tahakin ang daan, tungo sa tagumpay ng sambayanan! Dahil ang sambayanan ay si Kristo!

Tuesday, October 26, 2010

Isang pilas ng liham 001

Bebekoy,

 

Medyo matagal na rin, at namiss talaga kita. Pasensya alam mo naman yung sulat ko parang may kakarerang kalabaw. Sobrang tagal, akala ko three months lang nag enjoy ka naman yata dyan. Hehe okey lang namimiss man kita natutuwa na rin naman ako na nandyan ka… walang kasing demanding mo ngayon dito… hay namiss talaga kita ng sobra… ikaw yung pinaka baliw kong Bebekoy e…

 

Nakaka balibalita naman ako pagka minsan, mga simpleng tumaba ka raw, pumayat mga ganun – ganun at ganito… di ko naman alam kung saan ka… normal lang naman sigurong dalawin ako ng pag aalala… Pero masaya naman ako sa tumutumbas sa pag – aalala, amanos lang… Ganun yata talaga ang nalalayo sa isa sa pinaka malapit na bahagi ng buhay mo… ang nakaka inis dun wala kang kakayahang sumama ngayun lang, hehe susunod din ako… hindi naman ako palaging mahina.

 

Mabilis lang bilangin ang mga araw pinipilit ko namang huwag lamunin ng sistema sa paligid ko ngayun. Natutuwa nga ako't nawala yung mga insecurities ko noon na nagtulak sa akin papalayo.  Pinipilit ko na rin na maging open sa mga nararamdaman ko, nakikita at naisip para kung sablay madaling punahin. Nakakatuwa naman, kahit papano malinaw na sakin yung mga bagay –bagay. Hindi ako nagsasariling konklusyon.

 

Nagiging libangan ko ang pagsulat ng tula nitong mga nagdaang mga araw… limitado ang kausap e… kesa naman mapanisan ng laway. Saka kung anu anong mga craft na maibebenta.  Syempre pinaghahandaan ko rin yung kalusugan ko, palakad lakad, exercise, saka medication. Para pag balik ko di naman ako palaging inaatake dahil sa pagod sa paglalakad palang. 

No comments:

Post a Comment